𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Arestado ang Isang bente Sais anyos na construction worker sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Manaoag.

Ang suspek ay nakilalang si Jahn Sabado residente ng Barangay Pantal sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas kwatro ng hapon sa Barangay Poblacion na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang isang gramo at nagkakahalaga ng halos pitong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments