Patuloy ang ibinibigay na suporta ni 4th District Representative Congressman De Venecia, ang namumunong kongresista sa ika-apat na distrito sa lalawigan ng Pangasinan ukol sa Creative Industry ng bansa.
Kabilang sa adhikain nito ang pagsulong ng mga programa makatutulong sa mga local artists ng lalawigan.
Kailanlamang ay kaisa ito sa inilunsad na Cultural Center of the Philippines (CCP) Upskilling on Performance and Visual Arts Curation kung saan naganap ang pagsasanay at pamamahagi ng kaalaman na nakapaloob sa larangan ng industriyang malikhain.
Samantala, patuloy na pinapalawig ang Creative Industry ng Pangasinan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga proyektong may layong mapabuti pa ang kakayahan at abilidad ng mga Pangasinenseng kaagapay sa nasabing larangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨