CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng mga hog raisers ang inanunsyo ng Food and Drugs Authority (FDA) na naglabas na sila ng Certificate of Registration para sa bakuna sa African Swine Fever (ASF).
Ang nasabing balita ay kinumpirma rin ng Department of Agriculture.
Ayon sa DA, dito sa lambak ng Cagayan ay inaasahang uumpisahan ang mga pagbabakuna ngunit uunahin muna ang mga red areas o natukoy na lugar na nakapagtala ng mataas na kaso nito.
Kaugnay nito, sinabi pa ng DA na sa ngayon ay wala pa silang nakikitang pagtaas sa presyo ng baboy dahil libre pa sa ngayon ang bakuna.
Gayunman, sa paglipas ng panahon kung sakali man na ang mga hog raisers na ang bibili ng mga ito ay tiyak na sisirit ang bentahan ng buhay at karne ng baboy.
Facebook Comments