𝗗𝗔𝗔𝗑-π——π—”π—”π—‘π—š π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—” π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—”π—‘π—œπ—  𝗑𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—§π—œπ—§π—¨π—Ÿπ—’ π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—£π—” π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 𝗗𝗔π—₯; π—›π—œπ—šπ—œπ—§ 𝟴.𝟲-π— π—œπ—Ÿπ—¬π—’π—‘π—š π— π—”π—žπ—œπ—‘π—”π—₯𝗬𝗔 π—œπ—£π—œπ—‘π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ π—₯π—œπ—‘

Matagumpay na naipamahagi ng Department of Agrarian ReformΒ  (DAR) ang daan-daang mga titulo ng lupa sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa kabuuang datos nasa 645 na mga titulo ng lupa ang nai-turn-over sa mga kabilang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBS) ng ahensya kung saan galing ang mga ito sa mga bayan ng Tayug, Sto. Tomas, Balungao, Rosales, Umingan at Lingayen.

Bukod sa mga titulong ito, nai-turn-over din sa mga magsasaka ang kabuuang β‚±8,671,970 pisong halaga na mga kagamitang pangsaka at agri-inputs.

Ayon sa Kalihim ng DAR na si Secretary Conrado Estrella III na mas maraming bubuhos na support services para sa mga magsasaka upang mas maraming mga bigas ang kanilang maitanim na siyang kailangan ng bansa.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga napamahagian ng mga tulong na ito na tiyak ding makakatulong sa kanilang panghanap-buhay. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments