𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Aabot ng mahigit isang daang libo ang inaasahang dadagsa sa pamosong Minor Basilica of the Holy Rosary ng bayan ng Manaoag.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario, kapansin-pansin, aniya, ang dami ng mga tao na nagtungo roon noon pa lamang araw ng linggo ng palaspas na umpisa ng semana santa.

Ayon sa alkalde, naglatag na rin sila ng mga panuntunan kaugnay dito at patuloy ang pagpupulong kasama ang PNP at concerned agencies.

Nagpaalala naman ito na posibleng makaranas ng pagbigat ng daloy ng trapiko roon sa dami ng tao subalit tiniyak nito na ginagawa nila lahat upang maibsan ito ngayong semana santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments