Inaasahan na ng Commission on Elections (COMELEC) Dagupan ang dagsa ng mga magpaparehistro sa huling dalawang linggo ng Voter’s Registration.
Sa isang panayam, sinabi ni COMELEC Dagupan Election Officer Atty. Michael Sarmiento, na ililipat nila sa susunod na linggo ang voter’s registration sa Isang mall.
Ito aniya ay dahil posibleng hindi kayanin ng kanilang opisina ang dagsa ng tao sa nagpapatuloy na registration.
Sa datos ng COMELEC Dagupan, higit 141K na ang rehistradong botante sa lungsod.
Magtatagal ang voter’s registration hanggang sa 30 Setyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments