𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢, 𝗧𝗢𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

Todo na ang paghahanda ng hanay ng Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Office sa lungsod ng Dagupan.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Dagupan City DRRMO Technical Working Group Head Ronald de Guzman, sinabi nito na kaliwa’t kanan na ang ginagawa nilang paghahanda kaugnay dito.

Doble rin, aniya, ang kanilang preparasyon dahil sa inaasahang epekto ng La Niña na posibleng maramdaman sa huling bahagi ng taon.

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Barangay upang matutukan ang mga pangangailan ng mga ito lalo na ng mga low lying areas sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments