Muling nakapagtala ng may pinakamataas na heat index sa buong bansa ang lungsod ng Dagupan kahapon, April 9, 2024, ayon sa bulletin ng PAGASA.
Pumalo sa 44°C ang naramdamang init sa lungsod.
Kabilang pa sa mga higit minomonitor ang mga lugar sa Bacnotan, La Union at Tuguegarao City, Cagayan at Zamboanga City, Zamboanga Del Sur na nakapagtala ng 42 °C, habang ang Puerto Princesa at Aborlan sa Palawan ay umabot naman sa 43°C.
Kadalasang nasa anim hanggang sampung lugar sa buong bansa ang higit nakararanas ng matataas na heat index na kategorya sa ilalim ng Danger.
Samantala, matatandaan na noong April 1 ay pumalo rin sa 45°C ang heat index na naitala sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments