๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—ง ๐—–๐—”๐—ก๐—–๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Eksakto alas-sais ng gabi kahapon ay inilawan ang malaking pink ribbon sa rotonda ng New De Venecia Diversion road bilang pakikiisa ng lungsod sa breast cancer awareness month ngayong taon.

Pinangunahan ng Philippine College of Surgeons, Inner Wheel Club of the Philippines ang nationwide pink lighting activity kasama ang mga ospital, eskwelahan, at mga government agencies sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa.

Layunin ng nasabing aktibidad na pataasin ang kamalayan sa sakit na breast cancer, para sa early detection nito, at pagbibigay ng suporta sa mga apektado ng sakit.

Samantala, binigyang diin ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na tinututukan nito ang ilang mga pangangailangang medikal ng mga Dagupeรฑo na apektado ng nasabing sakit.

Sa datos ng World Health Organization, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa buong asya. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments