Maagang naranasan ngayong araw ang mabagal na usad trapiko sa bahagi ng Tapuac District Dagupan City.
Maliban sa nagpapatuloy na konstruksyon dahil sa road elevation sinabayan pa ito ng hightide.
Ang mga motorista walang magawa kundi suungin ang naturang daan upang makarating sa kanilang trabaho at lakad.
Ilang estudyante rin ang nagulat sa tubig baha sa lugar dahil hindi umano nila ito pinaghandaan at walang botang dala.
Ang ilan napilitan na lang dumaan sa foot bridge kahit pa nakakapagod ang pag-akyat dito.
Umaasa naman ang ilang motorista na mabilis na matapos ang konstruksyon upang maibsan ang tubig baha maging ang traffic sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments