
Cauayan City – Naihatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw, ika-18 ng Pebrero ang 19-anyos na kolehiyalang si Elyza Rodriguez Esmeralda na brutal na pinaslang sa Quezon, Nueva Vizcaya.
Kasunod nito, ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Quezon ang dalawang resolusyon na kinabibilangan ng Resolution No. 143 at 144, series of 2026.
Ito ay inihain ni Councilor Fredison Pulido at inaprubahan ng buong konseho. Layunin ng unang resolusyon na ipahayag ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng biktima, habang mariing kinokondena ng ikalawa ang krimen at nananawagan ng agarang hustisya.
Hinimok din ng konseho ang Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies na gawin ang lahat ng hakbang upang mapanagot ang salarin at matiyak ang makatarungang hatol.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










