𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Umaabot sa dalawampung gramo ng shabu ang nakumpiska sa dalawang katao sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Gonzalo Rosetes at Mark Anthony Flores mga residente ng Barangay Calmay sa nasabing lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek maga-alas kwatro ng madaling araw sa Barangay Tapuac na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng nasabing shabu na nagkakahalaga ng ₱136,000 na nakalagay sa apat na sachet.

Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso ang nasabing mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments