𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Kalaboso ang dalawa katao sa bayan ng Pozorrubio matapos silang mahuli sa kinasang buy bust operation sa bayan ng Pozorrubio

Ang mga suspek ay nakilalang sina Karl Tanguilig at Darwin Dela Cruz parehong residente ng nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas diyes sa Brgy. Bantugan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tatlong gramo at nagkakahalaga ng mahigit ₱20k at dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng dalawang gramo rin.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments