𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Aabot sa higit kumulang 200 mga kabataan sa Alaminos City ang nagtulong tulong sa isinagawang tree planting activity sa bahagi ng Barangay San Vicente.

Ayon sa tanggapan ng LGU-Alaminos City, nasa isang daan na puno ng narra at isang daang bamboo o kawayan ang naitanim ng mga kabataan sa naturang aktibidad.

Ito ay bilang suporta ng mga kabataan sa sustainable environmental protection program ng naturang lungsod.

Samantala, ayon sa lokal na pamahalaan target din ng tree planting activity na palawigin ang environmental conservation sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments