𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗘𝗗𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗔𝗚𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗖𝗛𝗔𝗡𝗡𝗘𝗟, 𝗜𝗠𝗜𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜

Iminumungkahi ng isang contractor na magsagawa ng dredging operation sa Limahong River Channel sa Lingayen at Agno River Channel sa Labrador.

Ito ay base sa naging epekto ng mga nagdaang bagyo sa kapasidad ng ilang river channels sa Pangasinan na sumalo ng tubig mula sa upstream.

Dahil dito, nakatakdang magsagawa ng public scoping ang tanggapan kung saan ilalahad ang proposed actions, scope of term and work at malaman ang mga isyu na maaring ibahagi ng mga residente at concerned agencies ukol sa pagdadraga ng mga naturang kailugan.

Inaanyayahan ng tanggapan at Environmental management Bureau Region 1 ang publiko na makiisa sa magaganap na public scoping upang maiparating ang hinaing at suhestiyon ng mga residente.

Gaganapin ang public scoping Lingayen Civic Center sa Darating na December 17. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments