Nakabukas pa rin ang dalawang gates ng San Roque Dam. Ito ay bilang bahagi ng precautionary measure ng pamunuan sa epekto ni Bagyong Pepito sa lalawigan.
Sa abiso ng National Power Corporation San Roque Dam Office, mula sa dalawang gates na binuksan, nasa 4 meters ang total gate height at may outflow na 749.65 cubic meters per second.
Nauna nang inabisuhan ang mga residenteng nakatira sa mga kailugang posibleng madaanan ng pagpapakawala ng tubig na maging alerto sa maaaring pagtaas ng lebel nito.
Ang holding capacity ng Agno River na siyang dadaanan ng tubig mula sa dam ay nasa 1, 500 hanggang 2, 000 cubic meters per second Nasa 276.27 meters above sea level ang kasalukuyang lebel ng tubig sa San Roque Dam. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments