𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng awtoridad sa Alaminos City.

Pasado alas nuebe ng umaga nang isagawa ang operasyon ng awtoridad na pinangunahan ng Alaminos City Police Station kasama ang PDEA Region 1.

Nahulihan ng aabot sa higit 13,000 na hinihinalang shabu ang mga suspek na isang 22 anyos na college student at Isang 24 anyos na pawang residente sa lungsod.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments