𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Dalawang katao ang arestado matapos magnakaw sa isang supermarket sa Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay isang 32 anyos na babae at isang 34 anyos na lalaki na pawang residente ng Baguio City, Benguet. Naaktuhan ng security guard ang dalawa na nagnanakaw sa loob mismo ng supermarket.

Sinubukang ipuslit ng mga ito ang sunscreen, vitamin c, shampoo, lotion, toothpaste na inilagay sa ilalim ng kanilang suot na damit. Nagkakahalaga ng 18,000 ang lahat ng ninakaw ng dalawa. Itinurn-over ang dalawa sa pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments