Asahan na umano ang nasa dalawang piso hanggang apat na pisong bawas sa presyo ng kada kilo ng produktong bigas ngayon Pebrero, ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG.
Sa naramdamang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan gaya sa lalawigang ng Pangasinan nitong mga nakaraang buwan, inaasahan na bababa na ito sa mga susunod na buwan dahil unti-unti nang nag haharvest ng palay ang mga rice farmers at may mataas na suplay ngayon ng imported rice.
Ang mga konsyumer naman, umaasa ring mararamdaman na ang pagbaba ng presyo ng bigas sa lalong madaling panahon dahil hirap umano silang makapamili sa taas ng presyo nito nitong mga nakaraang linggo, bagay na masakit na umano sa kanilang mga bulsa.
Ayon naman sa Department of Agriculture, magsisimula na ang harvest season ng mga rice farmers kaya naman asahan na talaga ang maaaring pagbaba ng presyo ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨