Ilang araw bago ang kapaskuhan ngayong taon, muling nararanasan sa ilang pamilihan sa lungsod ng Dagupan ang muling pagtaas ng presyo ng mga bilihing bigas.
Kung matatandaan, noong nakaraang buwan, napansing umakyat sa singkwenta pesos ang presyuhan ng mga bigas sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan, hanggang sa nagdagdagan ng dalawang piso noong mga nakaraang linggo na nasa P52 ang kada kilo, ngayon ay muling nagdagdagan ng dalawang piso ang kiluhan ng bigas na regular milled rice na nasa P54 na bago ang kapaskuhan, ito ay base sa mga pamilihan sa lungsod partikular sa Malimgas Public Market.
Paliwanag ng mga retailer na mataas umano ang presyuhan ng kuha nila sa mga supplier ng bigas mula sa mga karatig bayan hanggang karatig lalawigan.
Kung matatandaan din sa unang report ng IFM Dagupan na una nang nagbigay ng anunsyo ang ilang nagtitinda ng bigas sa lalawigan nab ago sumapit ang taong 2024 ay magkakaroon ng magkakasunod na pagtaas ng presyo sa mga bigas.
Paliwanag pa ng ilang nagtitinda na minsan nagugulat ang mga customer ngunit wala pa rin silang magagawa kundi bumili pa rin kahit mataas dahil basic necessity ang bigas.
Ayon naman sa grupong SINAG, sapat ang suplay ng bigas sa bansa kahit na may mga nararanasang pagtaas ng presyo bigas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨