𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗙𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang katao na sangkot umano sa kasong estafa sa Brgy. San Nicolas, Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na sina Gina Sanchez at Marites Mones, pawang residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkautang umano ang dalawa ng nasa humigit kumulang P200,000 ngunit hindi na sila nagpakita matapos na matanggap ang pera.

Dati na rin umano nasangkot si Sanchez sa parehong kaso ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.

Sangkot din ang dalawa sa forgery na ginaya ang pirma ng isang opisyal upang makapang biktima.

Ilan pang biktima ng dalawa ang lumutang sa himpilan ng pulisya.

Inihahanda na ang ilan pang kasong isasampa ng mga biktima laban sa dalawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments