𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗡𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗨𝗪𝗔𝗚

Bahagyang lumuwag ang daloy ng trapiko ngayong umaga sa mga kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan sa bungad ng taong 2024.

Mula umaga ay naging maayos at maaliwalas ang kakalsadahan sa lungsod dahil kakaunti lamang ang pumasadang pampublikong sasakyan ngayon.

Ang ilan sa mga jeepney drivers, hindi muna umano pumasada bilang magsisilbing pahinga muna nila ang unang araw ng taong ito habang ang iba naman ay mas minabuti pa ring bumyahe nang sa gayon ay may kitain at may masakyan pa rin ang mga komyuter na may pasok sa trabaho.

Maayos ang naging daloy ng trapiko sa mga bahagi ng Downtown kung saan madalas na nakikitaan ng mabigat na usad ng mga sasakyan habang gayon din sa mga bahagi ng Herrero-Perez hanggang Arellano Street.

Sa ngayon, nagdiriwang umano muna kasama ng kanilang mga pamilya ang ilang drivers at operators at ipinagpaliban muna ang ibang mga gawain para makapagpahinga ng maayos sa dami ng inihanda sa pagsalubong ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments