Nakapagtala ang Department of Agriculture Regional Field Office 1 ng mahigit limang daang milyong pisong (P500) pinsala sa sektor ng agrikultura sa Ilocos Region.
Ayon sa datos ng DA-RFO1, kabuuang halaga ng P530M ang naging pinsala ng nagdaang El Niño Phenomenon sa agrikultura ng rehiyon kung saan higit 17, 000 na mga magsasaka ang apektado nito.
Nauna nang nakapagpamahagi ang DA ng tulong pinansyal para sa mga naapektuhang magsasaka upang matulungang maibsan ang mga ito sa pinsalang dulot ng El Niño at magpapatuloy pa ang nasabing tulong.
Matatandaan na idineklara na rin ng PAGASA nito lamang nakaraang buwan ang pagtatapos ng El Niño Phenomenon at sa ngayon ay pinaghahandaan na ng ahensya ang parating ng La Niña sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments