𝗗𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡

Pumalo na sa 982 million pesos ang naitalang danyos sa agrikultura sa Pangasinan dahil sa sunod-sunod na nagdaang bagyo.

Ayon sa Provincial Agricultural Office, ito ay naitala mula sa bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang konsolidasyon ng tanggapan ukol sa danyos na naitala mula kay Pepito na pumalo na sa humigit kumulang 80 million.

Aminado ang ilang magsasaka na lubhang naapektuhan ang kanilang pananim dahil ang ilan sa ito ay nalubog sa baha.

Samantala, tiniyak ng tanggapan ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta tulad ng mga magsasaka, mangingisda at livestock raisers upang makabangon sa nagdaang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments