Binuksan na sa mga residente at motorista ang mas malapad at sementadong barangay road sa Brgy. Antipangol, San Carlos City matapos makumpleto ang proyekto.
Ang naturang barangay road ay problema umano ng mga motorista sapagkat ito’y maputik lalo kapag umuulan. Dirt road kung tawagin ito ng mga residente dahil ito rin ay hindi sementado noon lalo na at nagsisilbi itong pangunahing daanan ng mga motorista.
Siniguro ng tanggapan ng City Engineering sa lungsod ang disenyo ng kalsada ay naaayon sa 2-way traffic kahit pa nasa loobang parte ang lugar taliwas sa nakagawiang sukat ng mga barangay road.
Nagpapatuloy din ang mga infrastructure projects ng pamahalaang panlungsod at hangarin na iangkop sa 2-way traffic ang mga barangay roads upang hindi maging abala sa mga motorista. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔