Cauayan City – Nagtatag ng isang regional federation ang mga dating rebelde sa region 2 upang mapalakas ang kanilang pagkakaisa at makatanggap ng mas mahusay na suporta mula sa gobyerno na ginanap sa Upi, Gamu, Isabela.
Kasama sa pederasyon ang mga organisasyon mula sa Isabela, Nueva Vizcaya, at Cagayan, na may kanya-kaniyang mga leader at patakaran upang matiyak ang maayos na operasyon, lalo na sa pagtanggap ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Col. Silas Trasmontero ng NTF-ELCAC, ipinaliwanag niya sa pamamagitan ng video teleconferencing ang mga benepisyo ng pagbubuo at pagrerehistro ng pederasyon.
Nahalal si Interim Executive Director Mauricio Aguinaldo ng Kappia Incorporated bilang Direktor ng pederasyon.
Ayon sa kanya, makikinabang ang mga dating rebelde mula sa mga benepisyo mula sa gobyerno at ipinaabot niya ang pasasalamat sa pamahalaan sa pagtulong sa kanilang muling pagsasama sa lipunan.
Samantala, ang hakbang na ito ay patunay ng pangako ng gobyerno na matulungan ang mga dating rebelde upang mamuhay nang mapayapa sa lipunan.