π——π—˜π—”π——π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ π—‘π—š 𝗣𝗨𝗩 π—–π—’π—‘π—¦π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—§π—œπ—’π—‘, π—›π—œπ—‘π——π—œ π—žπ—”π—§π—¨π— π—•π—”π—¦ π—”π—‘π—š π—π—˜π—˜π—£π—‘π—˜π—¬ π—£π—›π—”π—¦π—˜π—’π—¨π—§

Patuloy na nililinaw ng pamunuan ng LTFRB, at iba pang concerned agencies ang kaugnay sa nakatakdang deadline ng PUV Consolidation sa darating na Dec. 31 at hindi katumbas ng jeepney phaseout.
Isa sa dahilan ng isinasagawang protesta at tigil pasada ng mga transport group ay ang pinangangambahang jeepney phaseout na kung hindi raw ngayong taon ay baka tuluyang ipatupad sa mga susunod pang taon.
Nauna nang ipinagbigay alam ng mga ahensya na ang importante umano sa ngayon ay maconsolidate lahat ng PUV units at hindi manatiling single entity.

Pahihintulutan pa rin na pumasada ang mga traditional PUJs na consolidated na hangga’t road worthy o nasa maayos na kondisyon at iba pang ikokonsiderang salik ang mga minamanehong pampublikong sasakyan.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nasa mahigit 90% na ang mga nakapagconsolidate na o mga may kinabibilangan ng kooperatiba. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments