Wednesday, January 28, 2026

𝗗𝗘𝗕𝗥𝗜𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔; 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗖𝗢𝗡𝗡𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡

Cauayan City – Tuluyan ng inalis na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga debris sa bahagi ng bumagsak ng Cabagan–Sta. Maria Bridge bilang paghahanda sa pagtatayo ng pansamantalang alternate passageway o bridge connector.

Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang pile driving sa Span No. 3 ng tulay, kung saan binabaon sa lupa ang mga steel pipe piles na magsisilbing pundasyon ng itatayong istruktura.

Sa tulong ng mga crane at iba pang heavy equipment, isa-isang ibinabaon nang malalim ang malalaking bakal na tubo upang maabot ang matibay na bahagi ng lupa na magsisiguro sa tibay at katatagan ng tulay.

Ayon sa DPWH, tuloy-tuloy ang konstruksyon sa loob ng 24 oras kada araw upang mapabilis ang pagtatayo ng bridge connector, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang maibalik ang maayos na daloy ng trapiko at koneksyon sa lugar.

Matatandaang bumagsak ang bahagi ng tulay noong ika-27 ng Pebrero noong nakaraang taon matapos na tumawid ang isang overloaded na dump truck na nagresulta rin sa pagkasugat ng ilang tao.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments