𝗗𝗘𝗟𝗜𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗦𝗬𝗦 𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝟵𝟵 % 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 𝗡𝗔

Tuloy-tuloy pa rin ang pagdeliver ng PhilSys ID o National ID sa Rehiyon Uno kaya’t 99 % na umano ang completion rate nito, ayon kay Regional Director Atty. Sheila De Guzman ng Philippine Statistics Authority Region 1 (PSA).

Ayon kay Atty. De Guzman, isa ang Ilocos Region sa may pinakamataas na rating delivery sa buong bansa. Aniya, dahil ito sa pagsisikap at pagtutulangan ng PSA at partner nitong PhilPost na nagdedeliver ng mga IDs sa mga bahay-bahay.

Ang kakaunting natitirang hindi pa nakatanggap ng PhilSys ID ay dahil diumano sa ibinabalik ito sa mismong PSA, dahil maaaring lumipat ng address ang nakapangalan sa ID, o kaya’y pumanaw na, itinuturing nila ito bilang permanently moved out na mga residente.

Samantala, patuloy na gumagawa ng hakbang ang PSA na masuyod ang bawat lugar sa pamamagitan ng PhilSys on Wheels na lumilibot sa mga barangay sa buong rehiyon.

Bagamat ang iba ay Electronic Philippine ID (EPhilId) pa lang ang natatanggap, ipinaalala ng ahensya na ito ay katumbas ng PVC Card IDs. Payo nil ana kung may pagkakataong hindi ito tanggapin sa kahit anong opisina o establisyemento, maaari itong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na PSA office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments