Tuesday, February 24, 2026

𝗗𝗘𝗟𝗜𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗠𝗣𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗨𝗥𝗔𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗧𝗬 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗦

Cauayan City – Sasampahan ng Cauayan City Police ang isang delivery rider matapos humantong sa tensyon sa loob ng Police Station matapos itong makabangga ng dalawang nakaparadang sasakyan at magwala sa loob ng himpilan.

Ayon sa ulat ng pulisya, nabangga ng rider ang nakaparadang sedan at isang multi-purpose vehicle (MPV) sa Dalupang Street, Brgy. District 2.

Bagamat parehong nagtamo ng pinsala ang mga sasakyan, nagkasundo na ang mga may-ari at naayos na ang pinsala.

Subalit nag-ugat ang problema nang dalhin ang rider sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon.

Ayon sa mga awtoridad, hindi ito kumalma at nakipagtalo pa sa mga awtoridad kung saan gumamit siya ng hindi angkop na pananalita laban sa duty investigator.

Isinailalim sa medical examination ang rider at lumabas na positibo ito sa alak. Dahil dito, haharap siya ngayon sa kasong resistance and disobedience upon an agent of a person in authority dahil sa ipinakitang hindi kanais-nais na pag-uugali.

Ang insidente ay paalala sa lahat ng motorista at delivery riders na maging responsable sa kalsada at sa pakikitungo sa kapulisan upang maiwasan ang mas malalang kaso.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments