Bumaba umano ang demand sa kuryente sa ilang bayan sa Pangasinan dahil sa ulan na nararanasan ayon Dagupan Electric Corporation o DECORP.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan sa HRD Head ng DECORP, Atty. Randy Castillan, Maganda umano ito dahil makatutulong ang pagbaba ng demand pagdating sa availability ng suplay ng kuryente.
Matatandaan noong nakaraang dalawang buwan naranasan ang sunod-sunod na heat index sa lalawigan dahilan upang tumaas ang demand ng kuryente.
Samantala, pakiusap ng naturang korporasyon sa publiko na kung maaari ay iwasang magtanim ng punong kahoy malapit sa kanilang mga linya upang hindi ito magdulot ng force interruption. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments