Inihahanda na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkakaroon ng Automated Counting Machine (ACM) sa mga bayan at lungsod sa Pangasinan upang maipakita sa lahat ang wastong paggamit at mga taglay nitong features kasunod ng nalalapit na midterm poll elections sa susunod na taon.
Nauna nang naganap ang ACM demonstration sa Dagupan City kasabay ng Voters Education at Registration Fair sa mga estudyante sa lungsod.
Nakatakdang makapagtalaga ng ACM sa bawat lungsod at munisipalidad sa Pangasinan na siyang magdadala at iikot sa mga bara-barangay para sa demonstrasyon nito.
Inaasahang mag-uumpisa ito sa November 30 hanggang sa buwan ng Pebrero sa sunod na taon.
Bahagi ito ng paghahanda ng COMELEC upang matiyak sa mga residente ang tamang counting ng mga ihahaing boto sa eleksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨