𝗗𝗘𝗡𝗥, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗗𝗢𝗦

CAUAYAN CITY- Ipinanawagan ngayon ng pamunuan ng DENR Region 2 sa mga Lokal na Pamahalaan ang pagkakaroon ng appointed city o municipal environment and natural resources officer.

Binigyang diin ni DENR Regional Director Gwendolyn Bambalan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng environment and natural resources officer sa isang munisipalidad o lungsod upang matutukan ang mga programang pangkapaligiran sa lugar.

Aniya, bagama’t may mga naitalagang provincial environment and natural resources officer, ay hamon naman ito sa mga munisipalidad na nagkukulang dito.


Kaugnay nito, naglabas ng resolusyon ang ahensya hinggil sa pagkakaroon ng permanenteng ENR Officer.

Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng nasabing ahensya sa mga Lokal na Pamahalaan hinggil dito at umaasang mabibigyang pansin ito.

Facebook Comments