𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗘, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗞𝗜𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang ginang matapos umanong kitilin ang sariling buhay noong ika-10 ng Oktubre sa Purok 1 Brgy. Masaya Norte, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang biktima na si alyas “Helen”, 44-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa PNP San Agustin, nakatanggap ng tawag ang kanilang hanay mula sa isang pulis na nakatalaga sa Jones PS hinggil sa nangyaring insidente na kinasasangkutan ng kanyang kapatid.


Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa naturang lugar kung saan dito nadatnan ang wala ng buhay na katawan ng ginang.

Ayon sa asawa ng biktima, bandang alas dos ng madaling araw ng mapansin nyang wala ang bitkima sa kanilang higaan.

Agad namang hinanap ng lalaki ang kanyang asawa at natagpuan ang biktima sa kanilang banyo na naliligo sa sariling dugo at may tama ng baril sa kanyang ulo.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit na caliber 38 revolver.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring insidente at posibleng rason sa pagpapakamatay nito.

Facebook Comments