𝗗𝗘𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦, 𝗠𝗔𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Nagsimula nang tangkilikin ang deremen sa bayan ng Calasiao na patok na kakanin sa tuwing sasapit ang Undas.

Ang deremen, dudumen, o inlubi ay madalas na niluluto ng mga Pangasinense tuwing araw ng Undas na inialay rin sa mga yumao.

Sa Calasiao, mabenta na ang nagawang deremen kung saan makakabili sa halagang singkwenta pesos (50.00) kasama na rin ang iba pang klase ng kakanin gaya ng bibingka, cassava, nilupak at iba pa.

Ayon sa ilang tindera, inaangkat nila ang mga ito mula sa ibang bayan tulad ng Malasiqui, Bayambang na siyang gumagawa ng bila bilaong mga kakainin.

Samantala, ang deremen ay Isang beses lang kada taon nagkakaroon ng pag-aani nito na naisasakto pa sa paggunita ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments