Nagsimula nang magbenta ang ilang tindera ng deremen na patok sa tuwing sasapit ang Undas sa ilang palengke ng Pangasinan.
Ayon sa ilang tindera na nakapanayam ng IFM News Dagupan, kung noon ay hilera umano ang nagbebenta nito, ngayon ay iilan na lamang dahil kakaunti na rin umano ang tumatangkilik nito sa tuwing Undas.
Kakaunti rin umano ang ani ng naturang produkto dahil hindi na ito gaanong itinatanim ng mga magsasaka.
Mula sa P20-25 kada takal ng deremen noong nakaraang taon, tumaas ito sa P30-40 pesos ngayong taon dahil na rin umano sa taas ng bilihin.
Ang ilan sa mga nagtitinda nito, tig-sampung kilo ang kinukuha sa supplier kaysa sa sako-sakong stock ng deremen dahil sa tumal ng bentahan.
Kaugnay nito, inaasahang tataas pa sa higit P40 ang kada takal nito o higit P200 kada kilo sa nalalapit na pagsapit ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨