Wednesday, February 4, 2026

π——π—œπ—–π—§ π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ π—œπ—œ, π—•π—œπ—‘π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š-π——π—œπ—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—£π—”π—£π—˜π—Ÿ π—‘π—š π— π—”π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ 𝗑𝗔 π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—‘π—˜π—§ π—¨π—¦π—˜ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗔

β€ŽCauayan City – Mahalaga ang papel ng mga magulang para maging ligtas ang kanilang mga anak sa kapahamakan, lalo na sa paggamit ng internet at digital devices.
β€Ž
β€ŽIto ang binigyang-diin ni Mr. Ronald Bariuan, kinatawan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region II, kaugnay ng paggunita ng Safer Internet Day for Children Philippines at Child Sexual Abuse and Awareness Week.
β€Ž
β€ŽAyon kay Bariuan, mahalagang maging mapagmatyag ang mga magulang sa mga online platforms at content na kinahihiligan ng mga kabataang 18 taong gulang pababa upang maiwasan ang posibleng panganib sa cyberspace.
β€Ž
β€ŽDagdag pa niya, ang aktibong partisipasyon ng magulang sa digital life ng kanilang mga anak ay susi upang maprotektahan sila laban sa online abuse at iba pang anyo ng pang-aabuso sa internet.
β€Ž
β€ŽBinigyang diin rin niya na ang edukasyon at tamang gabay ng magulang ay makatutulong upang maging ligtas at responsable ang mga bata sa paggamit ng digital na teknolohiya, at mabawasan ang mga banta sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

β€Ž——————————————
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments