𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗧𝗨𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗥𝗢𝟭

Isinusulong na ng Land Registration Authority Regional Office 1 ang digitalization ng mga titulo ng lupa bilang pagpapabilis ng transaksyon sa kanilang tanggapan.

Hinihikayat ngayon ng tanggapan ang publiko na gamitin ang kanilang e-serbisyo app na siyang maaaring mapagkukunan ng request para sa certified copy ng titulo ng kanilang lupa.

Ayon kay Register of Deeds IV Atty. Laura Padua, makatutulong ang digitalization sa mga titulo ng lupa upang maiwasan ang pagsasagawa ng tampering sa mga titulo na siyang madalas na modus noon.

Tinitiyak naman ng tanggapan na hindi basta basta ang mga proseso sa pagsasagawa nito pati na rin ang proteksyon ng mga detalye ng titulo ng lupa sa loob ng kanilang database.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments