𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗣𝗔

Mas palalakasin pa ang disaster preparedness o ang paghahanda ng probinsya ng Pangasinan laban sa mga hindi maiiwasang kalamidad sa pamamagitan ng pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan dito.

Alinsunod dito, nakatakdang lagdaan ni Gov. Guico III kasama ang pamunuan ng Department of Science and Technology Regional Office 1 (DOST 1) and the Department of Science and Technology—Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) ng isang a Memorandum of Understanding (MOU) na siyang aksyon kaugnay sa nasabing isyu.

Sa ilalim pa ng MOU, magkakaroon ng representante mula sa iba’t-ibang mga Local Government Units (LGU) ng Pangasinan na silang lalahok sa mga isasagawang pagsasanay at iba pang kaalaman na may kaugnayan sa pagpapalakas ng disaster preparedness.

Samantala, iba pang mga paghahanda ay puspusan ding inaaral nang hindi lamang ito manatili sa mga kawani ng gobyerno bagkus ay maibaba rin ang mga kaalamang ito sa mga lokalidad at komunidad sa lalawigan upang makamit ang pagiging handa ng mga Pangasinenses sa panahon ng sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments