Nakatakdang isagawa ang distribusyon ng Family Food Packs sa naapektuhang residente ng Ilocos Sur dahil sa bagyong Julian.
Ito ay matapos tanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga nirequest na FFPs mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1.
Nasa isang libo, anim na raan at walumpu’t-anim na mga FFPs ang maipapamahagi sa kabuuang dalawang libo, isang daan at apatnapu’t-apat na mga apektadong pamilya sa lalawigan.
Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan bagamat base sa Forecast 12 hr rainfall ng PDRRMO, inaasahang patuloy na makararanas ng mga pag-uulan ang iba’t-ibang bahagi ng Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments