𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗛𝗗 𝟭, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗

Nagbigay ng paalala ang hanay ng Disease Prevention and Control Section ng Department of Health CHD 1 sa publiko para maiwasan ang pagkalunod.

Ayon sa ibinahagi datos ng Disease Prevention and Control CHD 1 mula sa World Health Organization, nasa ika-lima ang pagkalunod sa isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay lalo na sa mga batang may edad isa hanggang apat na taong gulang at pangatlo naman sa mga batang nasa lima hanggang siyam na taong gulang at sampu hanggang labing apat na taong gulang.

Payo ng mga ito na sundin ang mga ligtas na pamamaraan gaya ng maiging pagbabantay sa mga bata sa tuwing maliligo lalo na kung sa mga swimming pool at dagat.

Sa kabilang banda, paniguradong dagsa ang mga bibisita sa iba’t ibang tourist destination at beaches sa rehiyon gaya sa Pangasinan kung kaya’t dapat lamang na handa ang publiko lalo na sa insidente ng pagkalunod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments