𝗗𝗢𝗛-𝗖𝗩𝗖𝗛𝗗, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗞𝗘 𝗡𝗘𝗪𝗦 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

Cauayan City – Naglabas ng abiso ang Department of Health – Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD) kaugnay sa patuloy na pagkalat ng mga hindi beripikadong mensahe sa online platforms tungkol sa mga aktibidad sa pagbabakuna.

Ayon sa DOH-CVCHD, ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay maaaring magdulot ng kalituhan, takot, at pangamba sa publiko, lalo na sa usapin ng kalusugan.

Binigyang-diin ng ahensya na ang mga lehitimong aktibidad sa pagbabakuna at iba pang programang pangkalusugan ay inaanunsyo lamang sa pamamagitan ng mga opisyal at awtorisadong communication channels ng DOH, gaya ng kanilang Official Facebook pages at website nito.

Dagdag pa rito, ang tamang impormasyon ay ipinapaabot din sa pamamagitan ng mga City at Municipal Health Offices, Rural Health Units (RHU), at Barangay Health Stations upang matiyak na tama at napapanahon ang impormasyong natatanggap ng mga mamamayan.

Tiniyak ng DOH-CVCHD na ang lahat ng aktibidad sa pagbabakuna ay ligtas, malinaw, at maayos na ipinapaalam sa publiko.

Source: DOH Cagayan Valley

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments