Nagbabala ang Department of Health Ilocos Region sa banta ng Monkeypox o MPOX matapos makapagtala ng kumpirmadong kaso ng sakit ang Pilipinas.
Ayon sa tanggapan, maaring makuha ang sakit sa isang infected na indibidwal o hayop na maaaring makaranas ng lagnat, rashes at pamamaga ng lymph nodes. Madalas matatagpuan ang rashes sa palad at talampakan at mabagal ang pamumuo nito kung ihahambing sa chickenpox at measles.
Dahil dito, hinihikayat ng Kagawaran ng Kalusugan ang muling pagsusuot ng facemask, pagpapanatili ng physical distancing at kalinisan sa katawan upang makaiwas sa sakit. Nasa 10% ang chance of death ng isang individual na may mpox ngunit binigyang diin ng kagawaran na nasa 85% ang epektibo ng smallpox vaccine bilang pag-iwas sa nasabing sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨