𝗗𝗢𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟

Bubuo ng Mental Health Council ang Department of Health Region 1 ngayong taon na layuning matutukan ang mental health related incidents sa rehiyon.

Sa naturang council sila umano ang magsisilbing tagapagpatupad at advisory body ng mga polisiya na nakasaad sa RA 11036 o ang Philippine Mental Health Law.

Nauna nang nagsagawa ng pagpupulong ang ilang government agencies gaya ng CHED, DILG, CHR, TESDA, PhilHealth, DEPED, CSC, DOLE at mga provincial department health offices na maaring maging katuwang sa pagsulong ng naturang adhikain.

Ang naturang council ang daan umano upang ipaabot ang mental health care assistance sa mga mamamayan, nagpapalaganap ng mental health awareness sa publiko at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments