𝗗𝗢𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗟𝗟𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗦𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢

Hinihikayat ng Department of Health (DOH) Region 1 ang mga kompanya na magkaroon ng wellness program upang maisulong ang pagkakaroon ng malusog na kaisipan sa trabaho.

Ayon sa kagawaran, nararapat na magkaroon ang mga organisasyon o kompanya ng kanilang assessment sa kanilang mga empleyado upang malaman kung ano ang mga pinagdadaanan ng mga ito na nakaapekto sa kanilang gawain sa loob ng trabaho.

Layunin ng wellness program na mabigyan ng suporta ang mga empleyado para sa kanilang kapakanan.

Maaari rin umanong madevelop ang isang mental health problem kung ito ay napabayaan at hindi ito nabibigyan ng agarang solusyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments