𝗗𝗢𝗦𝗘 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗨𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗨𝗠𝗨𝗧𝗢𝗞

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang isang dose anyos na binatilyo sa Urdaneta City matapos itong nasabugan ng paputok na kanyang pinulot.

Naganap ang insidente sa barangay ng biktima kung saan ay naglalaro ito ng paputok pasado alas tres ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, pinulot ng biktima ang isang paputok na hindi pumutok subalit bilang sumabog ng nasa kamay na nito.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad ba kapag hindi maiwasang magpaputok, huwag na lang tangkaing pulutin ang mga paputok na hindi sumabog upang makaiwas sa aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments