𝗗𝗢𝗨𝗕𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝟭𝟯 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗜𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗕𝗢𝗔𝗥𝗗

Labing tatlong botante ng Mangaldan ang sumasailalim ngayon sa imbestigasyon dahil umano sa double registration.

Ayon sa Election Registration Board,lumabas ang pangalan ng mga ito na nakarehistro pa sa iba pang bayan ng Pangasinan.

Ayon sa Election Registration Board, kung mapapatunayan na ang 13 botante ay talagang nakarehistro sa ibang bayan, maari silang maalis at hindi na makaboto sa Mangaldan sa susunod na eleksyon.

Maari ring sampahan pa ang mga ito ng paglabag sa Voter’s Registration Act of 1996.

Samantala, Sasailalim rin ang mahigit isang libong bagong botante sa Pangasinan sa parehong kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments