𝗗𝗥𝗘𝗗𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗩𝗘𝗦𝗦𝗘𝗟, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗗𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Sumadsad sa bahagi ng Baywalk Binmaley, Pangasinan ang isang dredging vessel na MV XAVERI dahil sa malakas na hampas ng alon dulot ng Bagyong Kristine.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa Coastguard Pangasinan, nagsasagawa umano ng sheltering operation sa Lingayen Gulf ang barko ngunit dahil sa malalakas at matataas na alon sumadsad ito.

Nakatakda umanong hatakin ng dalawang tug boat mula sa employer ang naturang barko bukas depende sa magiging lagay ng panahon.

Samantala, Wala namang crew ng barko ang nasugatan sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments