Wednesday, February 4, 2026

𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City – Timbog ang isang High Value Individual (HVI) na sangkot sa iligal na droga sa isang intelligence-driven sa Barangay 4, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jimmy,” na residente ng nasabing lugar.

Nasamsam mula sa operasyon ang 32 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 20.21 grams at tinatayang halaga na ₱131,365.00, isang sachet ng hinihinalang Kush marijuana na may bigat na 1.97 grams na nagkakahalaga ng ₱1,000.00, at isang weighing scale.

Sa isinagawang plain view search, nakumpiska rin ang mga non-drug evidence kabilang ang 20 piraso ng glass tooter at isang self-sealing plastic bag na naglalaman ng 17 piraso ng 9mm live ammunition, limang piraso ng .45 caliber live ammunition, at dalawang piraso ng .22 caliber live ammunition.

Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek sa himpilan ng San Mateo Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition and Regulation Act.

Muli namang hinikayat ng Isabela Police Provincial Office ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Isabela.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments