Monday, January 19, 2026

𝗗𝗥𝗬 𝗥𝗨𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗕𝗔𝗢𝗟 𝗗𝗜𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa kahapon ang dry run ng pagsasara ng kalsada sa Quibaol Dike, Lingayen upang bigyang daan ang pagsasaayos ng naturang daan dahil sa ito ay bako-bako na at mayroong naglalakihang butas na takaw aksidente sa mga motorista.

Una nang sinabi ng lokal na pamahalaan na pansamantalang isasara ang kalsada simula September 12 ngunit ito ay binago at sa susunod na linggo, September 17 ang total closure ng kalsada para sa mga motorista.

Magpapatupad ng re-routing ang awtoridad para sa maayos na implementasyon ng konstruksyon ng daan sa Quibaol Dike. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments